Umabot na sa 2,385 ang inaresto ng mga awtoridad dahil sa paglabag sa nationwide gun ban na ipinatutupad ngayon sa buong bansa, ayon sa Philippine National Police (PNP).
Sa datos ng PNP, ang kabuuang bilang ng violators ay binubuo ng 2,298 na sibilyan, 14 police officers, 11 military personnel, 40 security officers at ang 22 ay nananatili pa ring uncategorized.
Habang umabot na sa 1,833 mga armas ang nakumpiska sa pagka-aresto sa mga violator, kasama na ang 10,221 na ammunitions at 867 na deadly weapons.
Nanguna ang Metro Manila sa bilang ng may pinakamaraming violators na umabot sa 826. Sinundan ng Central Visayas na may 267, CALABARZON na may 2855, Central Luzon na may 184, at Western Visayas na may 143.
Ang gun ban sa buong bansa ay nagsimula noong January 9 at kasalukuyan pinapatupad hanggang June 8, 2022 ayon sa Resolution No. 10728 ng Commission on Elections (COMELEC).