Magsisimula na ang month long overseas voting para sa May 2022 polls sa Linggo, Abril 10.
Sa 92 na Philippine posts, 46 ang gagamit ng automated election system, 46 ang gagamit ng manual system, 52 ang gagamit ng postal method ng pagboto, 24 ang personal na pagboto, at 16 naman ang gagamit ng mixed voting.
Gayunman, maaaring may ilan na hindi makakaboto dahil binabalak ng Comelec na suspindihin ang pagboto sa ilang bansa katulad ng Iraq, Algeria, Chad, Tunisia, Libya, Afghanistan, at Ukraine.
Ang mga overseas voters ay nakatakdang bumoto ng presidente, bise presidente, mga senador, at party-list.
Isasagawa ng overseas voting simula Abril 10, 2022 hanggang May 9, 2022.