Hindi dapat na makompromiso o maapektuhan ang serbisyo publiko sa pagpapatupad ng work arrangement tulad ng four day workweek at work-from-home set up.
Ito ang paalala ni Civil Service Commission (CSC) Commissioner Aileen Lizada, sa mga pinuno ng mga ahensya ng gobyerno.
Aniya, kahit na apat na araw lamang ang ipapasok sa trabaho ng mga empleyado, hindi ibig sabihin na wala nang pwedeng lapitan sa mga tanggapan ng gobyerno sa ikalimang araw.
Dapat magkaroon aniya ng salitan ng pasok ng mga kawani sa isang tanggapan sa loob ng apat n araw.
Halimbawa aniya, kung may papasok ng Lunes hanggang Huwebes ay mayroon ding papasok ng Martes hanggang Biyernes para sa lahat ng araw ay mayroon pa ring nakabantay at magpapaabot ng publiko serbisyo.
Maaari rin aniyang pagsamahin ang four-day workweek arrangement at work-from-home setup, depende sa uri ng trabaho na puwedeng gawin sa bahay.