Binunot ng mga pulis ang nasa 26,350 pirasong tanim na marijuana na nagkakahalaga ng P5,270,000 sa ikinasang tatlong araw na operasyon nitong weekend sa Barangay Bolol Salo, Kiblawan, Davao del Sur. 

Pinuri ni Philippine National Police (PNP) Chief, General Dionardo B. Carlos ang mga tauhan ng Davao del Sur Police Provincial Office, PDEG 11, at A-Coy, 39th Infantry Battalion ng Philippine Army sa matagumpay na operasyon na nagresulta ng pagkakadiskubre at pagkakasira ng tanim na marijuana sa lugar.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Naaresto naman ang isang suspek na kinilalang si Lima Cansing na siyang nagtanim sa libu-libong marijuana plants. 

"I highly commend all our personnel and also the PDEA agents and military personnel involved in the success of this operation. This is part of our nationwide implementation of an intensified campaign against illegal drugs," sabi ni Carlos.

Binalaan din ng PNP chief ang mga tao na nagtatanim ng marijuana na mahaharap ang mga ito ng habambuhay na pagkakakulong kapag napatunayang guilty.

"Section 16 of the Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 (RA 9165) dictates “a penalty of life imprisonment to death and a fine ranging from PHP500,000 to PHP10 million shall be imposed to any person, who shall plant, cultivate or culture marijuana or opium poppy.”

Nasa kustodiya ng Davao del Sur PPO ang suspek para sa dokumentasyon at pagsasampa ng kaso.

Ang 11 pirasong sample ng marijuana plants ay itinurn-over sa Davao Sur Provincial Forensic Unit para sa qualitative examination.