Umabot na sa 225 na Pinoy ang napauwi na sa Pilipinas mula sa Ukraine na patuloy na binobomba ng mga sundalo ng Russia.

Ito ang pahayag ng Department of Foreign Affairs (DFA) nitong Linggo at sinabing kabilang sa nasabing bilang ang 52 na indibidwal na dumating sa bansa nitong Sabado ng gabi.

Bukod dito, sinabi niForeign Affairs Undersecretary Sarah Lou Arriola na 98 pang Pinoy ay nasa labas na ng Ukraine at naghihintay na lamang para sa kanilang repatriation.

Binanggit din nito ang ilang Pinoy na seaman na stranded pa rin sa mga daugan sa Ukraine dahil na rin sa giyera.

National

Davao Oriental, niyanig ng 4.8-magnitude na lindol

"Nahihirapan lang talaga silang maka-evacuate dahil malakas iyong putukan kung saan sila nandoon," aniya.

Gayunman, nakikipag-ugnayan na umano sila saPhilippine Overseas Employment Administration (POEA) upang mailigtas ang mga Pinoy seaman.