Magsasagawa ang Department of Public Works and Highways (DPWH) ng reblocking at repairs sa ilang kalsada sa Metro Manila ngayong weekend.
Sa inilabas na traffic advisory ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA),dakong 11:00 ng gabi ng Biyernes,Marso 11 sisimulan ng DPWH ang pagsasaayos sa EDSA-Caloocan Southbound harapan ng A. De Jesus St. (5th lane buhat sa sidewalk); EDSA Southbound Quezon City magmula sa Panay Ave. hanggang Mother Ignacia St. (2nd lane mula sa sidewalk);EDSA-Quezon City Northbound sa EDSA malapit sa Quirino Highway exit; EDSA-Quezon City Northbound simula sa White Plains hanggang B. Serrano Rd. (2nd lane buhat sa sidewalk).
Apektado rin ng pagkukumpini ang EDSA-Quezon City Northbound pagkatapos ng Annapolis St. hanggang bago Boni Serrano flyover (2nd lane magmula sa MRT line) pagkatapos ng B. Serrano flyover hanggang bago flyover ng P. Tuazon flyover (2nd lane buhat sa MRT line); EDSA-Northbound Ayala Tunnel (Manila Water Restoration activity dahil naman sa water leak repair); at EDSA-Pasay City Northbound innermost lane (bus way) E. Rodriquez St. patungong C. Jose Street.
Ang mga apektadong kalsada ay madadaanan sa Lunes,Marso 14 ng madaling araw.
Pinapayuhan din ng MMDA ang mga motorista na dumaan na muna sa alternatibong ruta upang hindi na maabala.