Ibinida ni Kapamilya actress at single na ngayon na si Barbie Imperial ang kaniyang bagong 'BB'.

Oooppsss, huwag judgmental! Hindi bagong jowa, baby, o pet kundi ang mamahaling Rolex watch na binili niya para sa sarili niya!

"NEW BB SOURCED BY @HOUSEOFAUTHENTICS," caption niya sa litrato ng two-toned Lady-Datejust ng Rolex na ibinahagi niya sa kaniyang Instagram story.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Screengrab mula sa IG/Barbie Imperial

Screengrab mula sa IG/Barbie Imperial

Ibinida rin ni Barbie ang naturang 'BB' niya noong Valentine's Day.

Sa ngayon ay pokus muna ang dalaga sa kaniyang showbiz career matapos ang kumpirmadong hiwalayan nila ng aktor na si Diego Loyzaga.

Inamin mismo ni Barbie ang hiwalayan sa panayam ng 'TV Patrol' gayundin sa media conference sa digital series niyang 'The Goodbye Girl' kasama si Angelica Panganiban.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2022/02/05/diego-loyzaga-at-barbie-imperial-hiwalay-na-nga/

Hindi naman idinetalye ni Barbie ang puno't dulo ng kanilang breakup ni Diego, kahit na may mga chismis na lumigid-ligid na masyado raw nasakal ang ex-jowa sa pagiging selosa niya. Nabungangaan daw siya ng ina ni Diego na si Teresa Loyzaga dahil panay daw ang tambay niya sa bahay nito, sey ni Ogie Diaz.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2022/02/07/barbie-lagi-raw-nakababad-sa-bahay-ni-diego-natalakan-ni-teresa-loyzaga/

Naibahagi rin ni Barbie na pagdating sa pakikipagrelasyon, bihira o hindi na talaga siya nakikipagbalikan pa sa mga ex niya, kaya malabo na rin daw na magkabalikan pa sila ni Diego.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2022/02/16/barbie-hindi-nakikipagbalikan-sa-mga-ex-jowa-learn-to-let-go/