Sa pagsisimula ng 90-day election campaign period ngayong Martes, Pebrero 8, nanguna bilang trending topic sa bansa ang sari-saring campaign hashtags sa Twitter.
Sa higit 207,000 tweets sa pag-uulat, trending pa rin ang #KulayRosasAngBukas na una nang inilunsad ng mga Kakampink o mga tagasuporta ni Presidential aspirant Vice President Leni Robredo nitong Lunes, Pebrero 7. Trending din pati ang #LeniRobredo.
Sa hanay naman ng Uniteam o ng mga tagasuporta ng tandem nina Presidential aspirant Bongbong Marcos at aspiring Vice President at Davao City Mayor Sara Duterte, trending topics ang #UniteamPHArena2022, #OrasnaMarcosna, #BBMSARA2022, at Toni Gonzaga, na una nang naiulat ng host ng rally.
Samantala, bilang tugon naman ng mga tagasuporta ni Robredo sa paggamit ng BBM supporters ng ‘Pula ang kulay ng rosas,’ trending topic na rin ang #PulaAngKulayNgMagnanakaw na umabot na sa higit 6,000 tweets.
Ang ‘My President’ ang kasalukuyang top trending topic sa Pilipinas sa pag-uulat.