Inamin ng dating special adviser ng National Task Force (NTF) Against coronavirus disease 2019 (COVID-19) na si Dr. Anthony "Tony" Leachon na mahina umano ang health care system ng bansa kaya nagkaroon ng pandemya.
"For the longest time… ang health care system natin kasi, ‘yan ang weakest link natin kaya tayo nagkaroon ng pandemya at naging very obvious ‘yan during the [COVID-19] pandemic na hindi tayo naka-respond [agad] ,” pagsasapubliko ni Leachon sa isang radio interview nitong Sabado, Pebrero 5.
Binigyang-diin ni Leachon na makababangon ang ekonomiya ng bansa kung maayos ang health care system nito at binanggit ang datos ng Bloomberg na nagsasabing nakasalalay pa rin sa pagbabakuna at pagsusuri angpamamaraang ginamit sa paglaban ng pandemya.
“Kapagnapagandamo ang health, susunod n’yan ang economic recovery. Kapag hindi mo na-contain ang virus by testings ay patuloy pa rin ‘yan kahit magbakuna ka. Ang nakalagay sa Bloomberg, pababain ang positivity rate, pataasin ang vaccination rate, pataasin ang booster, decrease the severity [of] lockdown equals economic recovery,” dagdag pa ni Leachon.
Charie Mae Abarca