Ayon sa isang infectious disease expert, walang katibayan na kayang iwasan ng Omicron subvariant ang proteksyon na ibinigay ng mga bakuna sa coronavirus disease (COVID-19) isang eksperto.
Sa isang post sa Facebook, ipinaliwanag ni Dr. Edsel Salvana na ang Omicron subvariant BA.2, na binansagan na "stealth Omicron" ay isa pa ring sublineage ng variant ng Omicron at "itinuturing pa rin na Omicron at nag-aasta pa rin tulad ng Omicron."
“There is currently no evidence it is more aggressive or more likely to evade vaccines. The best part? Just like Omicron it is milder in fully vaccinated, and is less deadly than Delta,” pagpupunto ni Salvana.
Nanawagan din siya sa publiko na makinig sa mga makapagkakatiwalaang sources at iwasang mag-panic.
“Wait for [World Health Organization] to say something before you jump the gun,” dagdag niya.
Omicron subvariant
Hindi bababa sa 426 na kaso ng "stealth Omicron" ang natukoy sa England. Ang subvariant ay inilarawan ng United Kingdom Health Security Agency bilang "isang variant under investigation.
Ayon sa ulat ng The Guardian, tinawag itong "stealth Omicron" dahil hindi ito makikilala sa iba pang variant gamit ang polymerase chain reaction (PCR) test.
“The stealth variant has many mutations in common with standard Omicron, but it lacks a particular genetic change that allows lab-based PCR tests to be used a rough and ready means of flagging up probable cases,” saad ng ulat.
“The variant is still detected as coronavirus by all the usual tests, and can be identified as the Omicron variant through genomic testing, but probable cases are not flagged up by routine PCR tests that give quicker results,” dagdag nito.
Ayon sa World Health Organization (WHO), Omicron variant ay may tatlong pangunahing substrain: BA.1, BA.2, at BA.3 at noong Disyembre 23, 99 porsiyento ng mga kaso na na-sequence ng WHO ay BA.1.
Gabriela Baron