Iniulat ng Department of Health (DOH) nitong Martes, Enero 25 na ang Omicron sub-lineage BA.2 na kilala rin bilang "stealth Omicron" ay na-detect na sa bansa.

Sa isang press briefing, ibinahagi ni DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire na na-detect din sa bansa ang globally-prevalent BA.1. Binanggit niya gayunpaman na walang pagkakaiba ang nakita sa clinical presentation ng dalawa.

Batay sa datos na ipinakita ng DOH, ang BA.2 ay natukoy sa hindi bababa sa 49 na bansa at 17 US states.

Sa bansa, ang BA.1 ay na-detect sa walong rehiyon lamang at naiulat sa Region 5 sa mga Returning Overseas Filipinos, ayon sa DOH habang ang BA.2 ay dominant sa karamihan ng mga rehiyon.

National

5.9-magnitude na lindol, yumanig sa Southern Leyte; Aftershocks at pinsala, asahan!

Sinabi ni Health Secretary Francisco Duque III noong Lunes, Enero 24 na ang Omicron subvariant BA.2, ay walang pinagkaiba sa kasalukuyang dominant na Omicron variant na BA.1 batay sa mga unang pag-aaral, Binanggit niya na ang BA.2 o "stealth Omicron" ay kasalukuyang nakategorya bilang variant under investigation (VUI), hindi pa isang variant ng concern.

Sinabi niya na ang Epidemiology Bureau ng bansa ay nakikipag-ugnayan sa mga kinatawan mula sa World Health Organization (WHO) habang ang tanggapan ng bansa ay nagbibigay ng pinakabagong datos ukol sa mga katangian ng bagong variant.

Binanggit niya na ang mga bakuna sa COVID-19 ay patuloy na epektibo laban sa malubha at kritikal na mga kaso, kaya't pinipigilan nito ang pagdami ng mga naa-admit sa mga ospital at ang kaso ng pagkamatay.

“Iyong International Health Regulation, tayo ay nakikipag-ugnayan sa kanila. Sila iyong sangay ng WHO na nagbigay patungkol sa mga bagong variants, bagong mga viruses. So, ginagabayan nila tayo,” ani Duque.

Dhel Nazario