Nag-positive na rin sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) ang dating hepe ng Philippine National Police (PNP) at ngayo'y senatorial bet na si Guillermo Eleazar.

Paliwanag ni Eleazar, ito aniya ang lumabas na resulta ng kanyang Reverse Transcription-Polymerase Chain Reaction (RT-PCR) test nitong Martes ng gabi (Enero 11).

Gayunman, asymptomatic umano ito o hindi nakararamdaman ng anumang sintomas ng sakit.

Tiniyak naman nito na sumusunod siya sa ipinaiiral na health at safety protocols ng Department of Health (DOH) kaya sumasailalim na ito sa home quarantine at naka-isolate na rin siya upang hindi na makahawa ng iba.

National

Ilang retiradong AFP at PNP officials, sumulat kay PBBM; inalmahan 2025 nat'l budget?

Kaugnay nito, nanawagan din siya sa publiko na magpaturok na upang makaiwas sa posibleng pagkahawa ng COVID-19.