Inamin ni Senator Francis Pangilinan nitong Linggo, Enero 9, na nag-self-isolate na ito mula sa kanyang pamilya matapos magpositibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Aniya, nagulat siya sa nabanggit na resulta ng kanyang RT-PCR (Reverse Transciption-Polymerase Chain Reaction) test na nakuha niya nitong Sabado ng gabi.
"Surprised because I have zero symptoms. No cold or cough. No itchy throat. I was even able to run on the treadmill and do yoga stretching exercises last night before I learned of the test results,” sabi ni Pangilinan sa kanyang Instagram post.
Bukod sa senador, sumasailalim na rin sa self-isolation ang asawang si Sharon Cuneta at mga anak, sa kanilang bahay.
Hannah Torregoza