“One-man team’ muna ngayon si Manila Mayor at Aksyon Demokratiko presidential candidate Isko Moreno at mag-isang inaasikaso ang kanyang mga pangangailangan bilang alkalde dahil sa dami ng kanyang mga staff na infected na ng COVID-19.
Ayon kay Moreno, sa ngayon ay may 25 na sa kanyang staff ang infected ng virus kung kaya naman siya mismo ang nagmamaneho ng kanyang kotse upang dumalo sa mga importanteng functions, gaya nang pagbisita sa Sta. Ana Hospital.
Nitong Lunes ay mag-isang nagtungo si Moreno sa naturang pagamutan upang kumustahin angvaccine storage facility at magtanong kina Director Dr. Grace Padilla at Manila Health Department chief Dr. Poks Pangan kaugnay nang natitirang volume ng mga vaccines sa pagpapatuloy ng mass vaccination program na pinangungunahan niVice Mayor Honey Lacuna.
Nabatid pa kay Moreno na ang Office of Secretary Bernie Ang, kung saan dinadala ang kanyang mga paperworks, ay kasalukuyang sarado na rin dahil 22 kawani nito ay infected din ngvirus.
Ang bilang ng dami ng mga city officials at kawani na na-infect ay natuklasan nang magkaroon ng routine antigen tests na karaniwan nang ginagawa tuwing Lunes.
Ang nasabing tests ay required sa mga empleyado kada linggo at sakaling magpositibo ay kinakailangan silang sumailalim sa confirmatory RT-PCR test.
Sa kasamaang-palad, sinabi ni Moreno na ilan sa mga hospital directors at mga kawani ay infected din ng virus, kabilang na ang head ng Manila Emergency Operations Center na si Dr. Ed Santos, na kanyang pinuri na patuloy na ginagawa ang kanyang tungkulin sa kabila ng kundisyon.
Binanggit din ng alkalde ang ulat mula kay Lacuna, na siyang in charge sa health cluster ng lungsod kasama si Pangan, na malaking bilang ng mgahealth workers sa mga city-run hospitals ay tinamaan din ng COVID dahil sa surge kasunod ngholidays.
Gayunpaman, sinabi ni Moreno na ang heads ng mga tanggapan na na-infect ay epektibo pa ring ginagawa ang kanilang trabaho, partikular si Justice Abad Santos General Hospital Director Dr. Merle Sacdalan na nag-ulat na 124 sa 540 na mga kawani ay infected ng virus.
Habang siDr. Ted Martin, director ng Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center ay nagsabi na 211 mula sa kanilang 735 staff ay may COVID na rin.
Kaagad namang ipinag-utos ni Moreno na i-pull-out ang ilang miyembro ng vaccinating teams upang ma-reassigned sa mga ospital upang mapalakas ang workforce dito.
Naniniwala rin ang alkalde na ang nagaganap na infections ngayon ay maaaring Omicron na nga, dahil na rin sa mabilis makapanghawa ito at labis na nakakaapekto sa bawat tahanan, gayundin sa ipinapakitang sintomas nito sa mga apektadong indibidwal.
Tiniyak naman niya sa mga Manilenyo na silang dalawa ni Lacuna ay hindi aalis sa kanilang tabi lalo na sa panahon ng pagtaas ngCOVID infections, ngunit nakiusap sa mga ito na palaging sumunod sa basic health protocols.
Nang malaman naman ng alkalde na maraming empleyado ang apektado ng COVID ay agad niyang ipinag-utos na 30% lamang muna ng total manpower ng kada tanggapan ang magreport sa trabaho.
Mary Ann Santiago