Humigit-kumulang 250 healthcare workers mula sa Philippine General Hospital (PGH) ang positibo sa coronavirus disease (COVID-19), ayon kay hospital spokesperson Dr. Jonas del Rosario nitong Sabado, Enero 8.

“Marami po sa aming healthcare workers ang nagkaka-COVID. Twenty-five percent po sa aming workforce ngayon ay may COVID. Napakalaki pong bilang yun lalo na sa key areas, napipilay kami," ani Del Rosario sa isang virtual public briefing.

“Marami rin pong nagku-quarantine. Kailangang i-quarantine dahil na-expose sila. So as much as about 40 percent po ang aming workforce ang affected. Either infected or na-expose," aniya pa.

Dagdag pa ng spokesperson na hindi na nila pinagku-quarantine ang mga asymptomatic na health workers.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

“Kagaya po ng suggestion ng IATF [Inter-Agency Task Force], inadopt na namin na yung lahat po ng asymptomatic na na-expose hindi na po namin sila pinagku-quarantine, basta wala po silang symptoms, tuloy lang po ang trabaho," ani Del Rosario.

“Kasi hindi po namin kayang i-quarantine ang napakaraming empleyado, doktor, nurses, at mga support staff dahil wala na pong magseserbisyo sa ospital," dagdag pa niya.

Gabriela Baron