Mananatiling naka-lockdown hanggang sa susunod na linggo ang Kamara bunsod ng pagtaas ng mga kaso ng COVID-19 sa Metro Manila at mga kalapit na lalawigan, ayon kay Speaker Lord Allan Velasco.

“We have decided to extend the lockdown by another week from January 10 to 16 as a precautionary measure to protect the health and safety of House members and employees in view of an alarming rise in COVID-19 cases in NCR (National Capital Region) and adjacent provinces,” ayon kay Velasco

Ang Kapulungan na nasa Batasang Pambansa Complex sa Quezon City ay nakasara o naka-lockdown mula pa noong Martes, Enero 4.

Sinabi ni Velasco na ang regular work sa Kamara ay magre-resume sa Enero 17, kasabay ng iskedyul ng lehislatura na magpulong sa unang plenary session sapul ng holiday break nitong Disyembre 2021.Nilinaw ng Speaker na tanging 20 porsyento ng workforce sa bawat tanggapan ng Kapulungan ang pahihintulutang mag-report mula Enero 17.

National

FL Liza Araneta-Marcos, nanguna sa pagbubukas ng ilang atraksyon sa Intramuros

Aniya, inatasan na niya si House Secretary-General Mark Llandro Mendoza na tiyakin ang istriktong implementasyon ng lockdown.

Samantala, pinayuhan ni Velasco ang mga mambabatas at empleado na manatili sa bahay at siniguro sa kanila ng patuloy silang magkakaroon ng access sa virtual committee meetings, public hearings, at iba pang gawain sa Kamara habang ito ay naka-lockdown.

Umapela siya sa publiko na manatiling vigilant o mapagmatyag at patuloy na sundin ang lahat ng public health precautions laban sa COVID-19.

Bert de Guzman