Hindi papayagan na pumasok sa Manila Bay dolomite beach sa Maynila ang mga hindi bakunado, ayon sa Department of Environment and Natural Resources (DENR).

Inihayag ni Manila Baywalk Dolomite Beach ground commander Reuel Sorilla na siya ring hepe ng Environmental Law Enforcement and Protection Service (ELEPS) ng DENR, bubuksan muli sa Martes, Enero 4, ang nasabing lugar.

Aniya, ang hakbang ay alinsunod sa alituntuning nakapaloob sa COVID-19 alert level 3 na ipinaiiral sa Metro Manila simula Enero 3 hanggang Enero 15.

“As per IATF (Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases) standards, only fully vaccinated persons will be allowed,” pagdadahilan nito.

National

Magnitude 4.2 na lindol, yumanig sa Batanes

Kabilang aniya sa hindi papasukin sa nabanggit na lugar ang mga batang 11-anyos at pababa dahi hindi pa sila nababakunahan.

Gayunman, bago aniya makapasok ang mga ito sa 'white' beach ay kinakailangan muna nilang magrehistro  sa http://denrncrsys.online kung saan ipaiiral ang "one day before" rule.

Aaron Recuenco