Patay ang isang deputy prosecutor matapos pagbabarilin ng isang lalaki sa harap ng kanyang bahay sa Trece Martires sa Cavite nitong Biyernes ng umaga.
Dead on the spot ang biktimang si Trece Martires deputy prosecutor Edilbert Mendoza, 48, dahil sa mga tama ng bala ng baril sa iba't ibang bahagi ng katawan.
Sa paunang imbestigasyon ng pulisya, ang insidente ay naganap sa harap ng bahay ng biktima sa Elysian Fields Subd., Brgy. Cabuco, dakong 7:38 ng umaga.
Nag-e-ehersisyo lamang ang biktima nang matiyempuhan ito ng suspek at binaril ito ng tatlong beses.
Nahagip naman ng closed-circuit television (CCTV) camera ang suspek at ito ay nakasuot ng dark blue na jacket, puting sumbrero at face mask.
Iniimbestigahan pa ng pulisya kung may kinalaman sa trabaho ang motibo sa krimen.
Carla Bauto Deña