Mukhang magiging mapanghamon ang taong 2022 para sa Kapamilya actor na si Enchong Dee dahil sumampa na umano sa korte ang kasong cyber libel na inihain laban sa kanya ni Congresswoman Claudine Diana Bautista-Lim, party-list representative ng Drivers United for Mass Progress and Equal Rights o DUMPER, nitong 2021.

Naihain na umano ang kaso sa Prosecutor's Office sa Davao Occidental ang naturang kaso.

May anim pa umanong nadawit sa kaso subalit hindi na ito natuloy, at ang naiwan na lamang ay si Enchong, kaya nananatili itong tahimik sa isyu. Wala ring nagpapaliwanag sa kaniyang panig kaugnay nito. Ayon pa sa kumakalat na ulat, sa isang korte sa Davao umano isinampa ng mambabatas ang kaso.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2021/11/12/rep-claudine-bautista-lim-itinuloy-ang-kaso-vs-enchong-dee-matapos-muntik-makunan/">https://balita.net.ph/2021/11/12/rep-claudine-bautista-lim-itinuloy-ang-kaso-vs-enchong-dee-matapos-muntik-makunan/

Tsika at Intriga

Carlos Yulo, wala pa raw naibibigay na tulong sa pamilya kahit palihim na abot?

Nag-ugat ang reklamo sa ikinasal na party-list representative dahil umano sa malisyoso at mapanirang mga komento na ginawa ng aktor sa pamamagitan ng kaniyang Twitter account patungkol sa kasal nito sa fiance na negosyanteng si Jose French 'Tracker' Lim na ginanap sa Balesin Island Club, na isang exclusive resort sa Quezon Province.

“Enchong went as far as saying that I used public coffers to fund my wedding by categorically saying that ‘The money for commuters and drivers went to her wedding’, to the detriment and injury to my honor and name… The posts were meant nothing more than their malicious intentions of maligning my person, depicting me as a corrupt public official,” bahagi ng opisyal na pahayag ng mambabatas.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2021/11/11/enchong-dee-kakasuhan-ng-%e2%82%b11-b-libel-case/">https://balita.net.ph/2021/11/11/enchong-dee-kakasuhan-ng-₱1-b-libel-case/

Sa kabilang banda, humingi na ng paumanhin si Enchong sa social media at inamin ang kaniyang pagkakamali. Subalit 'ika nga ay 'the damage has been done' dahil mukhang seryoso ang mambabatas na ituloy ang kaso sa kaniya matapos umanong malagay sa alanganin ang kaniyang ipinagbubuntis.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2021/08/18/enchong-dee-kay-puv-driver-party-list-rep-bautista-i-take-full-responsibility-for-my-lapse-in-judgment/">https://balita.net.ph/2021/08/18/enchong-dee-kay-puv-driver-party-list-rep-bautista-i-take-full-responsibility-for-my-lapse-in-judgment/

Humihingi ang mababatas ng danyos na ₱500,000,000 para sa moral damages at ₱500,000,000 para sa exemplary damages, kaya aabot ito ng ₱1B.

Samantala, wala pang kumpirmasyon sa panig naman ng mambabatas tungkol sa napabalitang development na ito sa cyber libel case na inihain niya kay Enchong. Wala ring opisyal na pahayag mula naman sa kampo ng aktor.