Ilang oras matapos bawiin ni Senador Christopher "Bong" Go ang kanyang kandidatura sa pagkapangulo, umatras na rin ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Senate race.

Dumating si Duterte sa Commission on Elections (Comelec) sa Intramuros, Manila nitong Martes, DIsyembre 14 upang pormal na bawiin ang kanyang certificate of candidacy (COC) sa pagkasenador.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Sinamahan siya ni Executive Secretary Salvador Medialdea.

Matatandaang una nang sinabi ni Duterte na nais niyang tumakbo sa pagka-bise presidente ngunit kalaunan ay sinabi niyang magreretiro na siya sa politika sa pagkatapos ng kanyang termino sa Hunyo 30, 2022.

Gayunman, inihain niya ang kanyang COC sa pagkasenador noong Nobyembre 15 sa pamamagitan ng kanyang representative bilang substitute kay Mona Liza Visorde ng Pederalismo ng Dugong Dakilang Samahan (PDDS).

Ngayong araw din nagwithdraw ng COC sa pagkapangulo ang longtime aide ni Duterte na si Senador Bong Go.

Binawi nila ang kanilang kandidatura isang araw bago ang inaasahang paglalabas ng Comelec ng opisyal na listahan ng mga kandidato.

Leslie Aquino & Nicole Therise Marcelo