Magpapatupad ang mga kumpanya ng langis sa bansa ng malaking dagdag-presyo sa kanilang produktong petrolyo sa Martes, Disyembre 14.

Pinangunahan ng Pilipinas Shell epektibo dakong 6:00 ng umaga ng Martes, magtataas ito ng P1.60 sa presyo ng kada litro ng gasolina, P1.35 sa presyo ng diesel at P1.20 naman sa presyo ng kerosene nito.

Agad itong sinundan ng iba pang kumpanya ng langis na Cleanfuel, Caltex, Seaoil at Petro Gazz sa kaparehong taas-presyo sa kanilang petrolyo.

Ang bagong price increase ay bunsod ng paggalaw ng presyuhan ng langis sa pandaigdigang merkado.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Bella Gamotea