Inaasahan na ngPhilippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services Administration (PAGASA) na walang papasok na bagyo o anumang sama ng panahon sa bansa sa susunod na dalawa hanggang tatlong araw.

“Over the next three days or over the weekend ay wala tayong inaasahan na bagyo na maaaring mabuo o pumasok ng PAR," pagtaya ni weather specialist Raymond Ordinario nitong Huwebes, Disyembre 9.

Kamakailan, sinabi ng PAGASA na mula isa hanggang dalawa pang bagyo ang asahang papasok sa Philippine area of responsibility (PAR) ngayong Disyembre.

Kaugnay nito, binalaan naman ng ahensya ang publiko sa posibleng maranasang malakas na pag-ulan sa eastern Visayas, kabilang ang Northern Mindanao at Caraga dahil sa tinatawag na "shear line."

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Inaasahan din ng PAGASA ang mahinang pag-ulan saCagayan Valley, ilang bahagi ng Cordillera, at Bicol region dulot naman ng northeast monsoon o “amihan" habang manaka-nakang pag-ulan naman ang mararanasan sa Metro Manila ay iba pang bahagi ng Luzon at Mindanao.

Charie Mae Abarca