Bibida ang Kapuso actress na si Rita Daniela sa Metro Manila Film Festival (MMFF) 2021 movie na 'Huling Ulan sa Tag-araw' katambal si Ken Chan.

Isa si Rita sa mga talented actress ng GMA Network: mahusay nang umarte, mahusay pang kumanta. Kaya naman hindi siya nawawalan ng proyekto sa Kapuso Network gaya ng 'All Out Sundays', 'The Clash', at mga teleserye. Sumabak na rin siya sa hosting.

Sa ulat ng Philippine Entertainment Portal o PEP, naitanong ng press kay Rita kung threatened ba o kabado siya sa mga pumapasok na mga bagong Kapuso mula sa karibal na Kapamilya Network, gaya nina Beauty Gonzalez at Bea Alonzo.

“Hindi!” maagap na sagot ni Rita.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Para sa kaniya, exciting na nasa poder na ng Kapuso Network ang mga big star na ito, at mas nakaka-excite ang isiping maaari silang magkatrabaho.

Isa pa, iba-iba naman daw ang talento ng bawat isa.

“Ako, mas excited akong makatrabaho sila. Kasi, iba-iba naman po kami ng ano, e… ng galing, kumbaga."

“Kung yun po yung tamang word. If not, I’m sorry. Pero iba-iba din po kasi ang talent namin."

“So, ako po, mas excited. Hindi ako nate-threaten actually.”

Hindi rin naman siya pinababayaan ng Kapuso Network kung saan siya nagsimula.

“Opo. Kasi, pangalawang bahay ko na ang GMA at saka, kumbaga, kabisado na rin nila ako bilang artist."

“Kaya OK naman po ako. Masaya naman po ako.”