Umaabot na sa 38.1 milyon ang kabuuang bilang ng mga indibidwal na fully-vaccinated na laban sa COVID-19 sa Pilipinas.

Ayon kay Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque III, ang naturang mahigit 38.1 milyong indibidwal ay nakatanggap na ng dalawang dose ng bakuna hanggang noong Disyembre 5 lamang.

Bahagya itong mas mataas sa 37.3 milyong fully-vaccinated individuals na naitala noong Disyembre 2, base sa naunang ulat ni acting presidential spokesperson Karlo Nograles.

Samantala, ang kabuuang bilang naman ng mga indibidwal na nakatanggap ng isang dose ng bakuna ay nadagdagan rin at mula sa 52.4 milyon ay naging 56.7 milyon na.

National

Dalawang kabaong na nakahambalang sa NLEX, nagdulot ng trapiko

“‘Yun pong ating 56.7 million sa first doses administered, nalampasan po natin ang ating target. Target po natin by the end of November is actually 54 million doses,” aniya pa, sa Talk to the People ni Pang. Duterte.

Matatandaang target ng pamahalaan na makapag-fully vaccinate ng may 54 milyong indibidwal bago matapos ang taong ito.

Mary Ann Santiago