Magpapatupad muli ang mga kumpanya ng langis sa bansa ng malaking bawas sa presyo ng kanilang produktong petrolyo, bukas, Disyembre 7.

Sa pangunguna ng Pilipinas Shell, epektibo dakong 6:00 ng umaga ng Martes, magbababa ito ng P2.70 sa presyo ng kada litro ng kerosene, P2.65 sa presyo ng diesel at P2.40 naman sa presyo ng gasolina nito.

Asahan na ang pagsunod ng iba pang kumpanya ng langis tulad ng Caltex, Seaoil, Cleanfuel, Petro Gazz, PTT Philippines, Petron, Flying V at Total Philippines sa kahalintulad na bawas-presyo sa kanilang petrolyo.

Ang bagong price rollback ay bunsod ng pagbaba ng presyuhan ng langis sa pandaigdigang merkado.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Ito na ang ikalimang bugso ng oil price rollback ng mga kumpanya.

Sa loob ng apat na linggong price rollback sa mga petsang Nobyembre 9, 16, 23 at 30 ay umabot na sa kabuuang P3.85 ang natapyas sa gasolina, P2.55 sa kerosene at P2.40 naman sa diesel.

Bella Gamotea