Sa mga bagong Facebook post ni dating Pasig Mayor Bobby Eusebio, sunod-sunod itong naglabas ng saloobin sa kung ano nang sitwasyon ng Pasig ngayong paparating na Pasko.

Nauna na nitong sinimulan ang pagpaparinig umano noong Disyembre 1.

Nag-post ang dating mayor ng larawan ng annual Christmas lighting ceremony ng lungsod ng QC at may caption na ramdam na ang Kapaskuhan sa iba't-ibang lungsod.

Sinundan naman ito ng pagpo-post ng pagpapailaw sa lungsod ng Maynila na front page sa isang issue ng Manila Bulletin.

VP Sara, tahasang iginiit na hindi niya binoto si Romuadlez

Lungsod naman ng Makati ang sinaluduhan ni Eusebio sa paraan nito ng paggunita ng Kapaskuhan.

Aniya, "Saludo kami sa mga LGUs, Barangays, na patuloy sa paggunita ng Kapaskuhan sa kabila ng pandemic ay hindi ito naging hadlang upang ibahagi ang diwa ng Pasko sa kani-kanilang mga nasasakupan."

Disyembre 2, naglabas naman ng tirada ang dating alkade. Ani Eusebio, hindi ramdam ang paparating na Pasko dahil walang parol at mga pailaw na kumukuti-kutitap sa kalsada.

"Parating na siya si Hesukristo ang ating manunubos. Pasig, Ano na ang nangyari? Walang parol? Walang kumukutitap sa kalsada? Hindi maramdaman ang diwa ng Pasko. Pandemic pa din ba ang dahilan? Dito sa atin,ito ang makikita sa ating Lungsod…" caption ni Eusebio sa kanyang post.

Samantala, rumesbak naman ang netizens sa patutsada ni Eusebio at sinabing mas prayoridad ng kasalukuyang alkade ang sektor ng kalusugan kaysa sa mga dekorasyon.

Ani ng isang netizen," Maganda ho ang alokasyon ng budget ng Pasig ngayon. Mas malaki ang natipid na pwede pa ilaan sa ibang bagay. May mga pailaw naman hindi nga lang ganun kaengrande pero hindi naman yun ang mahalaga. Mas prayoridad ngayon ang kalusugan kaya malaki ang pondong nakalaan dito. Madami pa hong problema mayroon ang lungsod bukod sa pandemya, sana ho hindi tayo ganto kababaw."

Inulan ng mga pagtatanggol kay Sotto ang comment section ng huling post nito tungkol sa kakulangan ng mga palamuting pampasko sa kanilang lungsod.

Dumipensa naman si Eusebio at sinabi na kung may ayuda ay dapat lahat nabibigyan — pati ang mga bato ang bahay at mga nasa condominium.

"AH GANUN BA? YEHEEY! SALAMAT AT MAY AYUDA, SANA … WALANG PINIPILI, SANA MERON DIN KAHIT BATO ANG BAHAY (sabi nga niya kahit nakatira ka sa condo) AT SANA WALA RING QR PASS … KAYA KUNG SABI NINYO MAY AYUDA, "SANA ALL". MABUHAY KA PASIG!"