Kumakalat ngayon sa TikTok ang isang video clip kung saan iniintrigang buntis umano ang 'Queen of Teleserye Theme Songs', 'Power Diva' at Kapamilya singer na si Angeline Quinto.

Ayon sa lumalabas na chismis sa TikTok, aksidente raw na nahagip ng camera ang teleprompter sa naganap na concert ni Angge sa Metropolitan Theater sa Maynila. Ipinagdiwang niya ang kaniyang ika-isang dekada sa industriya.

Nakasaad sa teleprompter na 'Angge to share pregnancy journey' at nakasaad pa ang mga salitang pregnancy kit, 1st ultrasound, at lumalaki ang tiyan, na nai-screengrab sa 'SnoopAScoop'.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

No description available.
Screengrab mula sa TikTok/YT

Kapansin-pansin raw na tila muling nananaba si Angge, at kapag naka-side view ito ay makikita ang umbok sa kaniyang sinapupunan. Madalas din daw hawakan ang tiyan kapag bumibirit.

Angeline Quinto (Screengrab mula sa YT/Angeline Quinto)

Lalo pang lumutang ang isyu nang maalala ang Instagram post niyang 'New life chapter one' sa pagpasok ng Nobyembre.

Matatandaang inamin ni Angeline na may non-showbiz boyfriend siya.

Samantala, wala pa namang kumpirmasyon mula sa kampo ni Angge hinggil sa isyung ito.