Nakapagtala pa ang Department of Health (DOH) ng 975 bagong kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa nitong Huwebes ng hapon.

Mas mataas ito ng kaunti sa 890 kaso ng COVID-19 na naitala nitong Miyerkules ng hapon.

Inihayag ng DOH na sa kabuuan, umaabot na sa 2,829,618 ang COVID-19 cases sa Pilipinas.

Sa naturang kabuuang bilang, 0.6% na lamang o 17,796 ang aktibong kaso o nagpapagaling pa mula sa karamdaman.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Sa mga active cases naman, 52.7% ang mild cases, 21.49% ang moderate cases, 14.4% ang severe cases, 6.0% ang critical cases at 5.4% ang asymptomatic o walang nararamdamang sintomas ng sakit.

Mayroon ding 1,029 pasyente ang gumaling na sa karamdaman, kaya nasa 2,763,947 na ang total COVID-19 recoveries sa bansa o 97.7% ng total cases.

Naitala rin ang 193 na pasyenteng binawian ng buhay sa sakit.Sa kabuuan, nasa 47,875 na ang COVID-19 deaths sa bansa o 1.69% ng kabuuang kaso.

Mary Ann Santiago