Humingi ng paumanhin si Senator Ronald "Bato" dela Rosa sa pagtawag na "buwisit" sa kanyang mga kasamahan sa Senado, partikular na ang finance committee matapos na manawagan ang mga ito na tapyasan ng pondo ang National Task Force to End Local Communist Armed Conflict mula sa₱28 bilyon ay ibinaba sa₱4 bilyon.

Kamakailan, nasabi ng senador na "buwisit" ang mga nanawagang tanggalan ng pondo ang NTF-ELCAC na nangunguna sa paglaban sa terorismo.

Hindi maipaliwanag ng naturang ahensya kung saan napunta ang kanilang pondo, bagay na nagbigay ng dahilan sa mayorya ng mga Senador na bawasan ito ng pondo.

"Tanggapin man nila o hindi 'yung aking apology ay talagang taos-puso ko 'yang sinasabi sa kanila na I'm really very sorry. Sana, mapatawad nila ako," dagdag pa nito.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Leonel Abasola