Nagluluksa ang mundo ng showbiz sa pagpanaw ng batikang direktor na si Bert De Leon nitong Nobyembre 21, 2021.

Isinugod sa hospital si Direk Bert nitong Hulyo matapos atakihin sa puso, at sumailalim sa angiogram at angioplasty, ayon pa sa kanyang Instagram posts. Tinawag pa niya itong 'Jolly July'. Matapos ang ilang linggo ay bumuti pa ang pakiramdam ng direktor.

Screengrab mula sa IG/Bert De Leon

National

PBBM admin, nagsisilbing ‘totoong kalamidad’ sa ‘Pinas – Maza

"1 misstep/1 very swollen and excruciatingly painful knee/1 HEART ATTACK/1 ambulance ride/12 hours in the ER/1 Angiogram/Angioplast/ 5 stents/X-rays, ultrasound and blood tests/Countless needles/Pills, pills and more pills/Cardiac rehab and physical therapy/Homebound after 2 weeks," pag-iisa-isa pa ng direktor.

"That’s my 1st half of the month. How was yours?"

"Seriously, thanks everyone for all your prayers and get well messages. God bless."

Sa isa pang Instagram post, "Time flies…it’s been more than 2 weeks since my heart attack. I’m home, resting from that unforgettable ordeal and just taking it easy. As soon as the weather clears, it’s cardiac rehab and physical therapy for my injured knee. Then hopefully, a go signal from my doctors to resume my normal activities."

"I am lucky and happy to be alive!!!"

Screengrab mula sa IG/Bert De Leon

Ngunit hindi roon natapos ang kaniyang suliranin sa kalusugan dahil dinapuan naman siya ng COVID-19 noong Setyembre.

Noong Oktubre, naglunsad ng virtual fundraising event ang ilang mga kaibigan at katrabaho niya sa showbiz, na pinangunahan ni Michael V, para sa mga medikal na pangangailangan ng direktor, matapos itong tamaan ng COVID-19."

"Bert de Leon is the director of #EatBulaga, #PepitoManaloto and #BubbleGang for the longest time. He’s handled top rating shows throughout his and our lifetime; a lot more than you can imagine! (Google it and you’ll be surprised!)," ayon sa caption ni Bitoy.

"He unfortunately contracted COVID last month and has been in the hospital since then. Some of his friends decided to produce a fundraiser for him. If you wish to participate, checkout the details in the photo. Feel free to SHARE this with your friends!"

Screengrab mula sa IG/Michael V

At nito ngang Linggo, Nobyembre 21, ay ibinalita na ng kaniyang pamangkin na si Joanna De Leon ang pagpanaw ng kaniyang tito.

"Mahal na mahal kita tito… mahal na mahal ka namin dito… Ang sakit sobra, napakalungkot ng paglisan mo pero makakapag pahinga ka na," saad niya.

“I’m so sorry that you’ve been through a lot of pain bago ka umalis… You’ve had a great fight Tito."

“Thank you for all the love and care you’ve given to my family mostly sa aming Ina.. Never mo kami pinabayaan and I’m so sorry na wala kami sa tabi mo to help you but we prayed a lot for your healing tito."

“Rest in Peace tito.. I promised you ako na bahala kay Mamay.. we love you so much Tito Bert De Leon."

Isa namang nagngangalang Jacinda Myrtle De Leon-Magdaong ang nagpahayag din ng kalungkutan sa pagkawala ng kaniyang tito.

"Mula noong 1978 (Iskul Bukol) tropa na tayo."

"7 ako, nasa early 30s ka."

"Para ka si Peter Pan, ayaw mag-grow up, mas makulit ka pa sa bata, haha!"

"Magmula Broadcast City (RPN9), ABS CBN, GMA7, hanggang sa Music Hall, Suburbia at kung saan-saan pang music bars, magkasama tayo."

"Growing up, palaisipan sa akin kung magkamag-anak tayo- pero kahit pa hindi, pakiramdam ko, Oo…di lang sa apelyido, sa dugo."

"Sa puso ko, niece mo ako- yaan ang madalas mo sabihin kapag ipinapakilala mo ako sa mga kausap mo noon, My NIECE.

Wala ng bubungad sa akin ng 'Hello Beautiful' or 'Hi Sexy', na kahit parang bariles ang katawan ko, haha!!"

"Sa karamihan, si DIREK ka, Rekdi, BDL, Berto, pero sa akin, you will always be my GQ Tito Bert."

"I will always remember you being japorms, swabe, akala mo model na rumarampa kapag naglalakad, mabango, 'englisherrro', Tito Bert."

"Maraming salamat sa pagkakaibigan, sa pagmamahal at higit sa lahat, sa oras. Kahit gaano ka ka-busy, nagagawa mong kamustahin ako, ang buhay ko. Thank you, Tito Bert. Mami-miss kita… nang bongga. I love you."

Nagpahayag na rin ng kanilang pakikiramay na mensahe ang mga kasamahang artista at direktor sa industriya gaya nina Direk Jose Javier Reyes, manunulat na si Suzette Doctolero, Nadia Montenegro, Richard Reynoso, at marami pang iba.

Si Bert De Leon ay ang direktor ng mga award-winning shows sa GMA Network gaya ng 'Eat Bulaga', 'Bubble Gang', 'Pepito Manaloto', 'The Jose and Wally Show', at ang iconic comedy-fantasy sitcom na 'Okay Ka, Fairy Ko'.

Rest in peace, Direk Bert!