Hindi imposibleng bumaba ang Metro Manila sa Alert level 1 pagtungtong ng Disyembre kung mapananatili ang requirement para sa pagluluwag ng kasalukuyang mga restriction, sabi ng Department of Health (DOH) nitong Lunes, Nob. 15.

Ani Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, kung maaabot ang lahat ng requirement kagaya ng low-risk classification para sa dalawang incubation period at pagbabakuna para sa mga matatanda, may comorbidities at ang target population, maaaring lumuwag pa ang kasalukuyang restriction sa National Capital Region (NCR).

“It is not impossible for NCR to deescalate to Level 1 by December. Kailangan lang sustained ang gains na meron ngayon,” sabi ni Vergeire sa isang press briefing nitong Lunes.

Upang Payagan ang de-escalataion, dapat makamit ng NCR ang 70 percent vaccination coverage para sa mga seniors, 70 percent naman para sa mga may comorbidity at 50 percent para sa target population.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Sa kasalukuyan, naabot na ng NCR ang parehong layunin ng pagbabakuna para sa mga seniors at ang target population, habang ang target sa vaccination coverage para sa mga may comorbidity ay mababa pa rin sa 70 percent.

Mula Nob 15, nasa low-risk classification ang NCR.

“Kung kayanin by December, hopefully,”sabi ni Vergeire.

Pagbubunyag ng health official, tinatalakay na nila ang isang “threshold for safety seal in establishments.”

“This is for further safeguards for the public. Aside from being vaccinated, may safeguard na ang pupuntahan ay may compliance to safety protocols. Itong threshold pinag-uusapan pa para madagdag sa additional requirements,” ani Vergeire.

Betheena Unite