Nilagyan nitong Miyerkules, Nobyembre 10, ng bagong traffic signalization system ang dalawang U-turn slots sa Epifanio Delos Santos Avenue (EDSA) sa Quezon City upang maging maayos ang daloy ng trapiko at walang pagkaantala ng operasyon ng EDSA Bus Carousel.

Pinangunahan ni MMDA Chairman Benhur Abalos ang ceremonial switching ng bagong traffic lights sa dalawang EDSA U-turn slots--isa sa harapan ng Quezon City Academy at malapit sa Dario Bridge. 

"We are gearing towards this holiday season. Hence, we have installed traffic signal lights on the said areas to improve road safety, pedestrian movement as well as reduced travel time. It is operational 24/7," ani Abalos. 

Binanggit din ni Abalos na babawasan ng ahensya ang  bilang ng traffic enforcers na kasalukuyang nagmamando sa lugar.

Metro

Mayor Lacuna: Payout sa 203K seniors, malapit nang matapos

Bella Gamotea