Arestado ang isang robbery hold-up suspect sa pagnanakaw ng motorsiklo sa isinagawang entrapment operasyon ng pulisya sa Quezon City noong Biyernes, Nob. 5.
Kinilala ni Police Lt. Col. Cipriano Galinda, hepe ng Quezon City Police Distrcit (QCPD) Talipapa Police Station (PS 3), ang suspek na si Michael Jovit Marasigan, 35, residente ng Brgy. Baesa, Quezon City.
Ayon sa QCPD, humingi ng tulong ang biktimang si Mark Anthony Somido, 29, isang “habal-habal” driver, noong Nob 5, matapos siyang tawagan ni Marasigan at humingi ng pera kapalit ng kanyang motor.
Isinagawa ng PS 3 ang entrapment operation sa kahabaan ng Mendez Road, Brgy. Baesa, na humantong sa pagkakaaresto kay Marasigan bandang 12:20 a.m.
Sinabi ni Somido na umaktong pasahero ang suspek mula sa Las Pinas papuntang Quezon City noong Oktubre 25.
Idineklara ni Marasigan ang pagnanakaw sa daan, dala ang motorsiklo nng biktima na Yamaha Mio, isang cellphone at P2,000 cash.
Nakuha ng mga awtoriad mula sa suspek ang isang .22 caliber pistol, driver’s license, entrapment money at isang cellular phone.
Hindi naman narekober ang motorsiklo ni Somido.
Ayon sa pulisya, si Marasigan ay may dati nang mga kaso ng ilegal na droga, paglabag sa Republic Act 10591 o “Illegal Possesion of Firearm” at pagnanakaw.
Haharap sa kasong Robbery Extortion kaugnay ng Robbery Hold-up.
Aaron Homer Dioquino