Puntirya ng gobyerno na tumurok ng limang milyon sa tatlong araw na "National Vaccination Day" ngayong Nobyembre.

Ito ang pahayag niNational Task Force (NTF) Against Covid-19 head of strategic communications on current operations, Assistant Secretary Wilben Mayor nitong Biyernes.

"Our target here is to administer jabs for about five million. The plan is this November and that's already in the pipeline.It's a convergence of all sectors, of the national government, private, and other entities so that we can arrive at that particular target," pahayag ng opisyal.

Nauna nang inihayag ngDepartment of Health (DOH) na hindi lamang nakapaloob sa kampanya ang sabay-sabay na pagbabakuna dahil tampok din dito ang pakikipagdiyalogo sa mga eksperto na magpapaliwanagng kalagahanng pagpapabakuna.

National

Guanzon, tinanong sino si Ben Tulfo: 'What has he done for the country?'

Idinagdag pa ng opisyal na bahagi lamang ito ng pagsisikap ng pamahalaan na maabot ang tinatawangna population protection o herd immunity bago matapos ang 2021.