Isang magkapatid na pinaghihinalaang big-time drug pusher ang natimbognang makumpiskahan ng₱3,400,000 halaga ng shabu sa isang hotel sa Quezon City kamakailan.

Kinilala ang mga suspek na sina Alibasir Pandaca, 23, may kinakasama, at taga-648 Carlos Palanca St. Quiapo, Maynila at Alinor Pandaca, alyas Ali, 27, at taga-153 Center Muslim Compound, Maynila.

Sa naantalang ulat niCpl. Ronald John Lanaria,may hawak ng kaso, nagkasa ng buy-bust operation ang mga tauhan ngNational Capital Region Police Office- Regional Intelligence Division (RID), Regional Special Operations Group (RSOG), Regional Drug Enforcement Unit (RDEU) at Police Station 7 ng Quezon City Police District (QCPD) sa loob ng isang hotel sa Aurora Boulevard, Quezon City na ikinaaresto ng dalawa, dakong 4:40 ng hapon nitong Nobyembre 3.

Narekober sa magkapatid ang 500 gramo ng iligal na droga,800,000 marked money, at iba pang personal na gamit.

Metro

Mayor Lacuna: Payout sa 203K seniors, malapit nang matapos

Sasampahan ang mga ito ng paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Bella Gamotea