Mula apat hanggang walong porsyento ang itataas sa presyo ng mga Noche Buena items, ilang linggo bago sumapit ang Pasko.

Ito ang inihayag ng isang grupo ng mga supermarket sa bansa na sinang-ayunan naman ng Department of Trade and Industry (DTI).

“Puwedeng magtaas nang 25 centavos up to around probably2 for the big packs. Kaya we need to plan what we need to buy para magkasya ang grocery basket natin sa pangangailangan ng pamilya," pahayag ni Philippine Amalgamated Supermarkets Association President Steven Cua.

National

VP Sara Duterte, binisita si Ex-VP Leni Robredo sa Naga

Taong 2019 din nang huling magtaas-presyo ang mga Noche Buena items sa bansa.

Nag-abiso na ang ilang manufacturer ng mga panimpla, canned tuna, pasta, biskwit, gatas at frozen meat ukol sa dagdag-presyo ngayong Nobyembre.

Beth Camia