Puntirya ngayon ng gobyerno na mabakunahan ang mahigit sa 50 milyong Pinoy bago pa matapos ang taon.

Paglilinaw ni vaccine czar at National Task Force Against COVID-19 chief implementer Carlito Galvez nitong Biyernes, Oktubre 29, magagawa ito ng gobyerno sa tulong ng mga international partners nito.

Nitong Huwebes, sinalubong din ng grupo ni Galvez ang896,000 doses ng AstraZeneca vaccine na donasyon ng Japanesegovernment sa Pilipinas.

“These donated vaccines will enable the Philippines to realize its goal of achieving a daily jab rate of 1.5 million doses and fully vaccinate at least 50 million Filipinos by year end.The arrival of this latest vaccine donation from Japan comes at a crucial time as the Philippines continues to expand the coverage of its vaccine rollout which now includes minors within the 12 to 17 age group,” aniya.

National

OVP, nagpaliwanag hinggil sa 'casual meeting' nina VP Sara at Ex-VP Leni sa Naga

Aabot sana sa 77 milyong Pinoy o 70 porsyento ng 110 milyong populasyon ng bansa ang target na mabakunahan ng pamahalaan, gayunman, binago ang plano at bumagal ang programang pagbabakuna dahil na rin sa epekto ng Delta variant sa bansa noong Agosto.

Martin Sadongdong