Hinuli ng pulisya ang isang umano'y lider ng communist terrorist group (CTG) matapos matiyempuhan sa Makati City nitong Oktubre 28.

Kinilala ang naaresto na si Jefred Flores, 26, taga-Barangay Kamagong, Nasipit, Agusan Del Norte. 

Si Flores ay isang CTG team leader ng Sandatahang Yunit Pampropaganda (SYP) Kingdom of GF4A, Squad Uno.

Paliwanag ni Southern Police District (SPD) Chief, Brig. General Jimili Macaraeg, isinagawa ng mga pulis ang pagdakip kayFlores sa 1842 Escuela Street, Brgy. Guadalupe Nuevo, nitong Huwebes, dakong 8:40 ng umaga.

Metro

Magpinsang paslit nagkayayaang maligo sa lawa, nalunod

Sa report, may nakabinbin umanong warrant of arrest si Flores sa kasong attempted multiple murder.

Inirekomenda ng korte ang piyansang ₱120,000 para sa pansamantalang kalayaan ni Flores.

Bella Gamotea