Nasa 7,181 bagong kaso ng COVID-19 ang naitala ng Department of Health (DOH) sa bansa hanggang nitong Miyerkules ng hapon habang pumalo naman sa mahigit 40,000 ang bilang ng namatay sa sakit matapos na makapagtala pa ng 173 bagong COVID-19 deaths.

Ito ay batay sa case bulletin #578 ng DOH kung saan binanggit din na umabot na sa 2,690,455 ang total COVID-19 cases sa Pilipinas hanggang nitong Oktubre 13, 2021.

Sa naturang kabuuang bilang, 3.1% pa o 82,411 ang nananatiling aktibong kaso o nagpapagaling pa sa karamdaman.

Sa mga aktibong kaso, 75.3% ang mild cases, 12.1% ang asymptomatic, 7.25% ang moderate, 3.7% ang severe at 1.6% ang kritikal.

National

PCO, pinasalamatan Kamara sa pag-apruba ng ₱2.281B proposed budget sa 2025

Naitala rin ng DOH ang 6,889 pasyente na gumaling na mula sa virus sanhi upang umabot na sa 2,567,975 ang total COVID-19 recoveries sa bansa o 95.4% ng total cases.

Nakapagtala rin naman ang ahensya ng 173 pasyenteng namatay dahil sa kumplikasyong dulot ng COVID-19 kaya umaabot na ngayon sa 40,069 ang total COVID-19 deaths sa bansa o 1.49% ng total cases.

Samantala, ayon pa sa DOH, mayroon ring 98 duplicates ang inalis nila mula sa total case count, kasama rito ang 61 recoveries.

Mary Ann Santiago