MT. PROVINCE - Tatlong pinaghihinalaang drug courier ang dinakip ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at pulisya matapos mahulihan ng ₱18.4 milyong halaga ng dried marijuana sa isang checkpoint sa Sitio Ampawilen, Poblacion, Sadanga, nitong Miyerkules ng madaling araw.
Kinilala ni PDEA Regional Director Gil Castro, ang mga nadakip na sinaJorge Tomaldong Eyawon, 34; Dario Di-wean Diway, 23 at Jake Caesar Bulosan Linchangan, 19, pawang taga-Barangay Cudal, Tabuk City, Kalinga.
Naharang ng mga tauhan ng PDEA sa nabanggit na lugar ang isang kotse na lulan ng iligal na droga na ikinaaresto rin ng tatlong suspek, dakong 2:30 ng madaling araw.
Narekober sa mga suspek ang 148 pcs bricks dried marijuana leavesna nagkakahalaga ng₱18,480,000.
Kakasuhan ang tatlo ng paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Zaldy Comanda