Nai-deliver na sa Pilipinas ang aabot sa 1,842,750 doses ng Pfizer vaccine sa pamamagitan ng COVID-19 Vaccines Global Access (COVAX) facility.

Sa pahayag ng United States (US) Embassy sa Pilipinas, ang nasabing bakuna ay inihatid sa bansa nitong Oktubre 10 at 11.

Binanggit na bahagi lamang ito ng500 milyong doses ng Pfizer vaccine mula sa U.S. na maaari nang ipamahagi sa ibat' ibang rehiyon sa bansa.

Nitong nakaraang linggo, aabot din sa 5.57 milyong doses ng katulad na bakuna ang inihatid sa bansa.

National

Akbayan, nagpaskil ng 'wanted' posters ni Harry Roque: 'Sumuko ka na, POGO lawyer!'

Matatandaang kasamaniNational Task Force Against COVID-19 Chief Implementer Secretary Carlito Galvez, Jr.si US Embassy in the Philippines ad interimChargé d’Affaires Heather Variava sa sumalubong sa pagdating ng bakuna sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA), kamakailan.

“We’re really proud to be part of this effort here in the Philippines to vaccinate the Filipino people including teenagers and children so we can get them back to school,” ayon kay Variava.

Sa kasalukuyan, aabot na sa₱1.9 bilyong halaga ng COVID-19 assistance ang natanggap ng Pilipinas mula sa Estados Unidos.

Betheena Unite