Ipinakilala na ni Pasig City Mayor Vico Sotto nitong Biyernes ang lineup ng 12 konsehal sa una at ikalawang distrito para sa darating na halalan 2022.

Sa isang Facebook post, sinabi ni Sotto na sumailalim sa mahabang proseso ng pagninilay at konsultasyon ang mga aspirants na magiging bahagi ng "Giting ng Pasig" team.

Ang mga kandidato sa District 1 ay sina Volta Delos Santos, Eric Gonzales, Kiko Rustia, Pao Santiago, Paul Senogat, at Simon Tantoco.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

(Photo: Mayor Vico Sotto/FB)

Sa District 2 naman ay sina Buboy Agustin, Gab Bayan, Quin Cruz, Angelu De Leon, Maro Martires, at Corie Raymundo.

(Photo: Mayor Vico Sotto/FB)

Dagdag pa ni Sotto, sa tingin niya ay makakatulong ang mga kandidatong nasa lineup upang mas maging maunlad ang lungsod, lalo na sa panahon ng pandemya.

“Mga taong handang lumaban kasama natin tungo sa pangmatagalang pagbabago at inklusibong pag-unlad ng ating lungsod," aniya.

“Ang hiling ko sa inyo, bigyan niyo ako ng mga kasanggang mapagkakatiwalaan natin. Yung hindi puwesto o pera ang habol, kundi yung magiging katuwang ko sa pagpapaigting ng mga reporma’t pagbabago sa ating lungsod," dagdag pa niya.