Maging si dating Quezon City Mayor Herbert “Bistek” Bautista ay sasabak na rin sa May 9, 2022 senatorial race.

Naghain na si Bautista ng certificate of candidacy (COC) sa pagka-senador sa tanggapan ng Commission on Elections (Comelec) sa Harbor Garden Tent sa Hotel Sofitel sa Pasay City nitong Miyerkules.

Ito ang kauna-unahang pagkakataon na lalahok si Bautista sa national post simula nang lumahok sa politika noong 90s.

Tatakbo siya sa tiket nina Senators Panfilo Lacson at Vicente Sotto III, na tatakbo naman sa pagka-presidente at bise presidente, ayon sa pagkakasunod.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Mary Ann Santiago