CEBU CITY-- Matapos matalo noong 2019 elections, kakandidato muli bilang kongresista ang aktor at businessman na si Richard Yap sa Cebu City North District.

Inihain ng kanyang asawang si Melody ang kanyang certificate of candidacy (COC) noong Linggo, Oktubre 3, dahil siya ay kasalukuyang nasa lock-in taping.

Kinumpirma ni election officer Omar Sharif Dilangalen Mamalinta ng Commission on Elections-Cebu City ang paghahain ni Yap ng COC.

Nakilala si Yap nang gumanap siyang "Sir Chief" sa teleserye ng ABS-CBN na "Please Be Careful With My Heart" na katambal ni Jodi Sta. Maria.

‘Immortal love?’ Enrile at misis nagdiwang ng 67th wedding anniversary

Hindi naging sapat ang pagkakakilanlan niya sa showbiz nang matalo siya ni Raul del Mar noong 2019.

Nakakuha si Del Mar, na namatay noong Nobyembre 2020, ng 134,816 na boto habang nakakuha naman si Yap ng 81,167 na boto.

Hindi pa rin nalalaman kung sino ang makakatunggali ni Yap sa susunod na eleksyon ngunit may mga bali-balita na ang anak ni Del Mar na si Cutie ang tatakbo sa posisyon.

Registed voter ng Bgy. Apas, Cebu City si Yap at siya ay tatakbo bilang independent cadidate matapos maging parte ng Barug-PDP-Laban party noong huling eleksyon.

Calvin Cordova