Sa media conference na isinagawa para kay Kapuso comedy actress Pokwang noong Oktubre 1, tinanong siya kung ano ang maipapayo niya sa mga kapwa artistang nag-oober da bakod, na ang iba ay nakalipat na at ang iba naman ay nagbabalak pa lamang o nasa proseso na.

Nagpapasalamat umano siya sa GMA Network dahil sa pagbubuks ng pinto sa kaniya. Sa tatlong buwan kasing pagiging Kapuso ni Pokwang ay sunod-sunod kaagad ang kaniyang proyekto. Halos hindi siya nababakante at kulang na lamang ay maikot niya ang lahat ng mga programa sa estasyon.

“Don’t burn bridges. Napakaliit ng industriyang ito. Dapat tayo ay kaibigan mo siya, kaibigan niya, i-friend mo lahat," ani Pokwang.

Eleksyon

Ex-Pres. Duterte, babawiin kandidatura bilang alkalde ng Davao City; tatakbo umanong senador

Pokwang – Manila Bulletin
Pokwang/Larawan mula sa Manila Bulletin

Nagulat daw siya nang magpadala ng bulaklak sa kaniyang kaarawan ang mga dati niyang boss sa ibang network, na naalala pa rin siya. Masasabi niyang wala siyang masamang tinapay sa kanila dahil nagpaalam naman siya nang maayos sa kaniyang paglipat.

"And kagaya nga ng sinabi ko, napakaliit lang po ng mundong ginagalawan natin. Hindi mo alam kung sino ang makakatrabaho mo ngayon, bukas o sa darating na ano… so dapat friend ka sa lahat.”

Si Pokwang ang bibida sa bagong month-long episode ng Daig Kayo ng Lola Ko na “It’s Not You It’s Me” simula sa Linggo, 7:00 ng gabi sa GMA Network.

Bago tuluyang maging Kapuso si Pokwang ay naging Kapatid muna siya noong 2020. Nagkaroon siya ng morning talk show na 'Chika Besh' kasama sina Pauline Luna at Ria Atayde. Nagkaroon din siya ng mga game shows gaya ng 'Fill in the Blanks' at 'Bawal na Game Show' kasama ang mga Dabarkads na sina Jose Manalo, Wally Bayola, at Paolo Ballesteros na mga certified Kapuso rin naman, ngunit malayang nakakatawid sa TV5.