Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng 12,805 bagong kaso ng COVID-19 sa bansa hanggang nitong Miyerkules, Setyembre 29, 2021.

Sa case bulletin ng DOH, nabatid na dahil sa mga naturang bagong kaso ng sakit, umaabot na ngayon ang total COVID-19 cases sa bansa sa 2,535,732.

Sa naturang bilang, 5.2% o 132,339 pa ang aktibong kaso o nagpapagaling pa, kabilang ang 76.7% na mild cases, 16.4% na asymptomatic, 3.91% na moderate, 2.1% na severe at 0.9% na kritikal.

Nakapagtala rin naman ang DOH ng 12,236 pasyente na gumaling na dahil sa virus.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Dahil dito, umakyat na sa 2,365,229 ang total COVID-19 recoveries sa bansa o 93.3% ng total cases.

Umabot na rin sa 190 pasyente pa ang iniulat na namatay dahil sa COVID-19.

Sa kabuuan, 38,164 na ang COVID-19 death toll sa bansa o 1.51% ng total cases.

Mary Ann Santiago