Naloka ang mga netizens sa sweet photo na ibinahagi ng tinaguriang 'Crystal Voice of Asia' na si Sheryn Regis kasama ang hunk actor na si Vin Abrenica.

Sa kaniyang IG story, makikitang tila 'magtutukaan' na ang dalawa, at may nakalagay pang puso sa kanilang ibaba: tanong ng marami, may something ba sila?

image.png
Vin Abrenica at Sheryn Regis (Larawan mula sa IG/Sheryn)

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

Talagang may something nga sila, dahil hula ng mga tagahanga ni Sheryn, mukhang bibida sila ni Vin sa official music video ng bagong single ng mang-aawit, na pinamagatang 'Gusto Ko Nang Bumitaw.'

Alam naman ng lahat na may Sophie Albert na si Vin, at may junakis na rin sila na si baby Via.

Si Sheryn naman ay may asawa at anak na rin.