Hindi na nabigyan pa ng mahaba-habang pagkakataong magkasama at makabuo ng malaking pamilya ang bagong kasal na mag-asawang Jeff at Alysa Mariz Avila mula sa Casimiro Town Homes, Barangay Daniel Fajardo, Las Piñas City, matapos masabugan ng LPG tank sa loob ng apartment na kanilang tinutuluyan, noong Setyembre 10, 2021. 

Nitong Setyembre 24, 2021 ay tuluyan na ngang sumakabilang-buhay si Alyza, ayon sa madamdaming Facebook post ni Jeff. Sumingaw ang gaas mula sa LPG tank nang sila ay magluluto na. Nagulat na lamang sila na bigla itong sumabog, na ikinagulat naman ng kanilang mga kapitbahay. Sirang-sira maski na ang bubong ng bahay ng mag-asawa. Sugatan silang nakalabas ng bahay sa tulong ng mga residente sa lugar.

May be an image of 2 people, people standing, flower and text
Larawan mula sa FB/Jeff Avila

National

2 taga-Laguna na parehong nanalo sa magkahiwalay na Lotto 6/42 draw, kumubra na ng premyo

Ayon sa salaysay ni Jeff, bihira naman daw nilang gamitin ang lutuan. Hindi umano nila napansin na may butas na pala ang hose, na maaaring dahil sa ngatngat ng daga.Pagsindi raw nila ng stove ay doon na nagkaroon ng malakas na pagsabog.

Tila may sa-malas umano ang numerong '24' dahil ipinagdiwang ni Alysa ang kaniyangkaarawan noong Marso 24, ikinasal sila noong Hulyo 24, at namatay ang misis noong Setyembre24.

Kahit hirap na hirap magsalita ay nasambit pa umano ni Alysa ang numerong 24, dahil naalala nitong monthsary ng kanilang kasal. 

"Grabe, Napakabilis ng pangyayari, Love! Hindi ko ma-imagine na ganito ang mangyayari sa ating dalawa. Sobrang nanghihinayang ako kasi bago pa lang tayo nagsisimula bilang mag-asawa. 2 months palang tayo ngayon. Kaya pala love, noong magkausap tayo kahapon (Setyembre 23) pinilit mo pa rin makapagsalita kahit hirap na hirap ka na at ang nabanggit mo lang ay 24, kaya lalo ako naiyak kasi sa hirap ng sitwasyon mo, naisip mo pa na monthsary natin ngayon sa kasal… tapos ito rin pala yung huling araw ng buhay mo… grabe lang love," emosyunal na caption ni Jeff sa kanilang profile picture sa FB, na larawan ng kanilang kasal. 

Hindi ngayon alam ni Jeff kung paano magsisimula. 

Hindi ko alam kung makaka-move on pa ba ako… kasi napakahirap, hindi ko kayang kalimutan ang isang tulad mo.

Ngayon, at least hindi ka na mahihirapan at masasaktan. No more pain, Love! Basta palagi mo kaming gabayan ha. Ikaw ang magiging guardian angel ko Love."

Larawan mula sa FB/Jeff Avila

"So paano, pahinga ka na ha… ituloy na lang natin ang pagmamahalan natin sa kabilang buhay," huling mensahe ni Jeff para sa misis na namayapa.