Timbog ang isang lalaki matapos tagain ang kanyang amo sa Barangay 89 San Jose, Tacloban City nitong Lunes, Setyembre 2021.

Sa ulat ng RMN Tacloban, kinilala ang biktima na si Nancy Roselio, 44, habang ang suspek ay nagngangalang Jovel De Paz, 26.

Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, lumalabas na marami umanong iniuutos ang amo sa suspek dahilan para marindi ito at bigla na lang managa gamit ang isang itak.

Sa kabutihang palad, sugat sa mukha lang ang tinamo ni Roselio matapos nitong makatakbo kaagad.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

Gumagawa ng produktong chicharon ang pamilya ni Roselio at isa sa mga pinanghihiwang itak ang muntik nang maglagay sa peligro sa kanyang buhay.

Sinampahan ng kasong frustrated murder si De Paz.