Binabantayan ngayon ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang dalawang low pressure areas (LPAs) sa loob ng area of responsibility ng bansa nitong Linggo, Setyembre 5.

Kasabay rin na binabantayan ng weather agency ang pangatlong LPA sa labas naman ng Philippine area of Responsibility (PAR).

Huling namataan ng PAGASA ang dalawang LPAs sa layong 190 kilometers (km) west-southwest sa Basco Batanes at 465 km east sa Guiuan, Eastern Samar.

Dahil dito magdadala ng maulap na panahon at kalat-kalat hanggang malalakas na pag-ulan sa bahagi ng Batanes, Babuyan Islands, Biliran, Eastern Samar, Leyte, Northern Samar, Samar, Southern Leyte, Agusan del Norte, Agusan del Sur, Dinagat Islands, Surigao del Norte, at Surigao del Sur.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Samantala, patuloy namang makararanas ng maulap na panahon na maaaring maghatid ng kalat-kalat na pag-ulan ang Metro Manila at ilan pang natitirang bahagi ng bansa.

Namataan ang pangatlong LPA 1,620 kilometro, Silangan ng Borongan City, Eastern Samar.

Ayon kay PAGASA senior weather specialist Chris Perez, maaaring humina ang isa sa dalawangLPAs sa Silangang bahagi ng Visayas habang tutumbukin ng isa pa ang eastern seaboard ng Luzon at mapapanatili naman ang lakas nito.

Mababa naman ang tiyansa na magiging bagyo ang naturang LPA.

Patuloy na magbabantay ang PAGASA para sa posibleng pagbabago ng forecast.

Sa estima ng ahensya, dalawa hanggang tatlong bagyo ang maaaring pumasok sa bansa ngayong Setyembre. Papangalanang “Jolina”, “Kiko,” at “Lannie,” ang mga ito.

Ellalyn De Vera-Ruiz